^

Metro

Security escort ni Isko, todas sa tandem

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Security escort ni Isko, todas sa tandem
Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
The Philippine STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Patay ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos na barilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Sinubukan pa ng mga doktor ng Tondo Medical Center na isalba ang biktimang si George ­Capistrano, 56, na isang retiradong pulis ngunit binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Inaalam naman ng Manila Police District (MPD) ang pagkaka­kilanlan ng riding-in-tandem na nakasuot ng puting helmet at brown na jacket habang ang angkas naman ay naka­suot ng pulang sapatos, puting t-shirt at asul na helmet.Lulan ang mga ito ng isang Yamaha NMAX.

Batay sa ulat ng MPD, dakong alas-12 ng mada­ling araw nang maganap ang krimen sa harap ng bahay ni Capistrano sa Salonga St., kanto ng Buendia St., sa Balut, Tondo, sakop ng Brgy. 134.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang biktima na lulan ng kanyang motorsiklo habang sinusundan ng mga suspek.

Hinarang ng mga suspek si Capistrano na bumunot pa ng baril habang pinipilit naman ng mga suspek na makuha ang kanyang kuwintas. Nakaladkad pa si Capis­trano hanggang sa mapahiga sa semento. Dito na ito binaril ng isa sa mga suspek hanggang sa tumakas.

Ayon naman kay Domagoso, tinututukan ngayon ang anggulo na robbery-hold up ang motibo ng pamamaslang matapos na tangayin ng mga suspek ang kuwintas ni Capistrano.

Tiniyak naman ni Domagoso na makakamit ng pamilya ni Capistrano ang hustisya.

Samantala, bineberipika na rin ng  pulisya ang impormas­yon na isang retiradong police official ang nasa likod ng pamamaslang kay Capistrano.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with