^

Metro

‘Sagip Presyo’ act inihain sa kamara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para pababain presyo ng petrolyo Kasabay ng sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng petrolyo, inihain ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar “Egay” Eric, ang House Bill No. 8494 o ang “Strategic Automatic Go­vernment Intervention for Petroleum Price Stabilization (SAGIP PRESYO) Act”, na naglalayong magpatupad ng awtomatikong mekanismo upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa matin­ding pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Magkakaroon ng malinaw at awtomatikong hakbang ang pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng ­petrolyo sa mga motorista, mang­gagawa, negosyo, at sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Erice, mahalagang magkaroon ng agarang tugon ang pamahalaan tuwing may krisis sa presyo ng langis upang hindi na lalong mabigatan ang mga mamamayan sa tumataas na gastos sa transportasyon at bilihin.

Sa ilalim ng House Bill No. 8494, kapag umabot sa $80 per barrel ang presyo ng krudo, awtomatikong suspendido ang excise tax sa petrolyo upang mapababa ang presyo ng gasolina at diesel; kapag umabot sa $100 per barrel, suspendido rin ang Value Added Tax (VAT) sa petrolyo upang higit pang mapagaan ang pasanin ng mga mamimili at kapag umabot sa $140 per barrel, magbibigay ang pamahalaan ng 10% subsidy sa retail pump price ng petrolyo na direktang mararamdaman ng publiko sa mga gasolinahan.

SAGIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with