LRTA, magpapatupad na rin ng 4-day work week

MANILA, Philippines — Magpapatupad na rin ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng 4-day work week arrangements, alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa abiso ng LRTA, nabatid na layunin nitong suportahan ang pagsusumikap ng pamahalaan na makatipid ng enerhiya sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa LRTA, na siyang operator ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), sa ilalim ng bagong setup, ang mga non-frontline services personnel ay magtatrabaho na lamang on-site mula Lunes hanggang Huwebes habang work-from-home (WFH) naman sila tuwing Biyernes.
“Through this arrangement, we continue to uphold efficiency, sustainability, and reliable service for our commuters,” ani LRTA Administrator Hernando Cabrera, sa isang pahayag.
- Latest


















