Malaysian timbog sa pagsusuot ng PNP uniform
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 37-anyos na Malaysian national matapos magsuot ng uniporme at magpanggap na pulis sa Pasay City, noong Sabado.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na ang suspek ay inaresto alas-6:10 ng hapon ng Marso 8, sa Arnaiz Ave., sakop ng Brgy. 107, sa tulong ng “tip” mula sa concerned citizen na kahina-hinala ang dayuhan sa paggamit ng athletic uniform na may tatak na “PULIS”.
Inabutan ng mga rumespondeng tauhan ng Sub-Station 4, ang suspek na bitbit ang isang plastic na may lamang uniporme, na tangka pa umanong ibenta.
Nahaharap na sa reklamong Article 177 (Usurpation of Authority) at Article 179 (Illegal Use of Uniforms or Insignia) ng Revised Penal Code ang suspek, na nakapiit sa Pasay City Police Station.
- Latest















