^

Metro

DOJ kinalampag sa 9 na taong kasong nakabinbin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamilya ni Alfredo Manas na inambush noong 2017, kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida na aksyunan ang halos siyam na taong nakabinbing kaso kung saan napatay ang kanilang ama.

Ayon kay Alfredo, napatay sa ambush ang kanyang amang si Enrique Manas Sr. noong Hulyo 23, 2017, habang silang mag-ama at ilang kasamahan ay nagtatabas ng damo sa daan sa Brgy. Bahay, Sta. Margarita, Samar.

Lumabas sa imbestigasyon na ilang indibid­wal ang diumanoy sangkot sa pag-atake, kabilang sina Emilio Zosa, Arturo Deborbon, Joel Calagos, Sofronio Meduranda Jr., at Reymart Antivo. Isinampa ang rek­lamo sa mga nasabing indibidwal noong 2017, ngunit sa kabila ng halos siyam na taon na lumipas, hindi pa rin umuusad ang kaso sa korte.

Matatandaang noong Enero 16, 2025, inatasan ni dating Justice Secretary at ngayon ay Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang DOJ- Office of the Prosecutor General na isumite ang kinakaila­ngang Information sa korte sa loob ng sampung araw. Ngunit mahigit 411 araw na ang lumipas, hindi pa rin naipapatupad ang utos ni Remulla.

Sa isang liham kay Vida na may petsang Marso 3, 2026, nanawagan ang pamilya Manas, sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Kristjan Gargantiel kay Vida, na noong panahong iyon ay undersecretary ng DOJ—na tiyaking uusad na ang kaso.

“Patuloy ang paghihintay ng pamilya para sa katarungan. Hindi ito tungkol sa paghihiganti, kundi upang masiguro na maisasakatuparan ang tamang proseso ng hustisya para sa biktima at sa integridad ng sistema,” ani Gargantiel.

MANAS

VIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with