Mayor Joy tiniyak potable water supply

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magkakaroon ng mas malinis, ligtas, at may mataas na kalidad ng tubig sa Lungsod.
Ito’y makaraang buksan na ng QC LGU ang water testing laboratory na magkakaloob ng ligtas at high quality drinking water ang QCitizens.
Ang QC Water Testing Laboratory ng Drinking Water Quality Monitoring Committee ay na nasa pangangasiwaan ng Quezon City Health Department. Magsisilbing testing site para sa regular na microbiological examination ng inuming tubig mula sa lahat ng 382 Regular Sampling Sites (RSPs) sa Quezon City. Kakatawan ito sa mga kabahayan na sinusuplayan ng mga water concessionaire na Maynilad Water Services at Manila Water Company
“This initiative reflects the city’s commitment to providing clean and safe drinking water to all residents. We are taking proactive steps to protect our communities from diseases related to poor water quality,” ani Belmonte.
Ani Belmonte, ang pagtatatag ng water testing laboratory ay tugon sa ulat ng QC Health Department na ang Acute Gastroenteritis ang ika-32 pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Quezon City. Nagdudulot ng pamamaga o impeksiyon sa tiyan at bituka na maaaring sanhi ng virus, bacteria, o parasites na matatagpuan sa kontaminadong tubig.
Bilang tugon, nagpasa ang Quezon City Council ng Ordinance SP-3346 S-2024 na nag-aatas na magkaroon ng regular monitoring at testing sa water sources sa buong lungsod.
Susuriin din ng laboratory ang tubig mula sa lahat ng refilling stations at ice plants na nagsasagawa ang operasyon sa lungsod para masiguro na sumusunod ito sa water safety at quality standards na itinatakda ng Department of Health (DOH) at Philippine National Standards for Drinking Water 2017.
- Latest
















