PNP gagamit ng E-vehicles sa pagpapatrol

Sa pagtaas ng presyo ng langis
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng electric vehicle (EV) sa pagpapatrolya upang patuloy na masiguro ang seguridad at kaligtasan ng publiko.
Ang pahayag ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ay kasunod naman ng pangamba sa patuloy na pagtaas ng presyo krudo at posibleng pagkaantala sa suplay ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Nartatez, posibleng magdulot ng pagtaas sa operational cost ng ahensiya ang gulo sa Middle East kaya kailangan na gumamit ng alternatibong paraan ang PNP sa pamamagitan ng pagbili ng mga electric vehicles.
Binigyan diin ni Nartatez na hindi dapat makompromiso ang pang-araw-araw na pangangailangan sa operasyon ng pulisya, kabilang ang mabilis at maaasahang pagtugon.
“Part of the study is its operational suitability, public safety remains the top priority,” dagdag pa ng PNP chief.
- Latest


















