P.756 milyong kush nasabat ng BOC, PDEA at Clark Inter-Agency
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P756,000 halaga ng high-grade marijuana o “kush” mula sa parcel na idineklarang women woven shirts, na nagmula sa Canada patungo sa Dasmariñas City, Cavite.
Nadiskubre ang tinatayang 502 gramo ng kush sa isinagawang joint operations ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID), kasunod ng impormasyon mula sa PDEA, at pagsalang sa X-ray scanning at K-9 inspection.
Sasampahan ng reklamong paglabag sa Sections 118(g), 119(d), at 1113, paragraphs (f), (i), (l)(3) at (4) ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) kaugnay sa RA 9165.
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na matibay ang ugnayan at pagbabantay ng BOC at partner agencies sa pagharang sa mga iligal na droga.
- Latest

















