^

Metro

Sekyu patay, 10 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sekyu patay, 10 sugatan
A standoff over the leadership of BF Resort Village in Las Piñas has turned deadly after one security guard got killed.
via EJ Macabbabad

Turn over ng HOA officers

MANILA, Philippines — Patay ang isang security guard habang 10 ang nasugatan nang sumiklab ang gulo sa pagsisilbi ng writ of execution laban sa mga opisyal ng BF Resort Village Homeowners’ Association Inc. (BFRVHAI) sa Las Piñas City, Miyerkules ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 47-anyos na biktima.

Nagtamo ng bahagyang sugat ang pangulo ng BFRVHAI na si Euan Rex Toralballa na siya ring nagkumpirma sa pagkasawi ng security guard.

Ayon sa pamangkin ng nasawing sekyu, bu­magsak sa gitna ng kaguluhan ang kanyang tiyuhin hanggang sa matapak-tapakan na dahilan ng pagkakaroon ng matinding pinsala.

Nabatid na pasado alas-9:00 ng umaga nang isilbi ni Sheriff Nino John San Felipe ng Regional Adjudication Branch-National Capital Region ng Human Settlement Adjudication Commission ang writ of execution, kasama ang mahigit 30-pulis.

Batay sa kautusan, ipinatu-turn over sa mga opisyal, kawani, at kinatawan ng BFRVHAI ang lahat ng pondo, ­property, at iba pang asset sa BF Resort Village Talon ­Homeowners Association Inc. na pinamumunuan naman ni Jose Deo Aguinaldo.

Hinarang ng mga security guard ang grupo ng Sheriff at hindi pinayagang makapasok sa club house at security office na dahilan ng pagsiklab ng gulo hanggang magkabasag-basag ang salamin ng pintuan ng tanggapan.

LAS PIñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with