Truck driver, naputol ang daliri sa banggaan
MANILA, Philippines — Naputulan ng daliri sa paa ang isang truck driver matapos na bumangga ang minamaneho niyang trailer truck sa isa pang trailer truck sa Malate, Maynila kahapon.
Batay sa ulat, naganap ang insidente mag-a-alas-4:00 ng madaling araw sa westbound lane ng Quirino Avenue, malapit sa Osmeña Highway, na kinasasangkutan ng isang 22-wheeler at isang 18-wheeler na truck, na parehong may kargang semento.
Sa salaysay ng pahinante ng isa sa mga truck, hindi umano napansin ng kanyang driver na nag-red light na ang ilaw-trapiko sa lugar kaya’t nabangga nito ang kasalubong na trailer truck.
Naipit umano ang paa ng driver sanhi upang maputulan ito ng isang daliri. Nagdulot din naman ang insidente ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.
- Latest















