Pekeng class, work suspension iimbestigahan ng PNP
Dahil sa mga ‘banta’
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang social media post hinggil sa work at class suspensions dahil sa umano’y security threat kaugnay ng gulo sa Gitnang Silangan.
Sa inilabas na pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sinabi nitong wala silang namo-monitor na banta sa kabila ng gulo.
Aniya, ang umano’y suspensiyon mula Marso 4 hanggang 6 ay hindi galing sa anumang government agency kaya agad na pinapa-trace sa PNP Anti-Cybercrime Group para sa posibleng pagsasampa ng kaso.
“We urge the public to remain calm and rely only on announcements released through official government channels,” ani Nartatez.
Samantala, sinabi pa ni Nartatez mas hinigpitan pa ang seguridad sa buong bansa bagama’t walang banta kasunod ng Middle East conflict.
Tinatayang nasa 2.5 milyon Filipinos ang nasa Middle East, kung saan may 1,400 ang humihingi ng repatriation bunsod ng pambobomba.
- Latest



















