‘Love Bus’ aarangkada
MANILA, Philippines — Nilagdaan na nitong Martes, ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Global Electric Transport Philippines (GET Philippines), sa ilulunsad na iconic “Love Bus” na libreng sakay sa mga commuter.
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Global Electric Transport (GET) Philippines President Sigfrido Tinga ang paglagda ng MOA sa MMDA Head Office sa Pasig City nitong Marso 3.
Ang Love Bus, na inaasahang ilulunsad sa huling linggo ng Abril o sa unang linggo ng Mayo, ay may kapasidad na 30 pasahero at malapit nang bumiyahe sa mga sumusunod na ruta, na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
- Latest

















