P3.5 milyong shabu nasamsam sa buy-bust

MANILA, Philippines — Arestado sa tinatayang mahigit P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang isang 32-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City, umaga ng Sabado.
Sa ulat ni Parañaque City Police Station (CPS) chief, Police Colonel Nicolas Pinon, ang suspek na si alyas “Genesis,” ay dinakip alas-8:05 ng umaga ng Pebrero 28, 2026, sa Simplicio Cruz Compound Main Road ng Barangay San Isidro ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Narekober mula sa suspek ang 520 gramo ng shabu, using sling bag isang cellphone, at buy-bust money.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest

















