^

Metro

9 na driver dinampot ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Nakainom habang nagmamaneho

MANILA, Philippines —  Positibo sa alcohol impairment test ang siyam na driver matapos magsagawa ng operasyon ang Land Transportation Office (LTO) Central Office at National Capital Region (NCR) law enforcement units sa Quezon City.

Ayon kay LTO Chief  Markus Lacanilao, 15 driver  ang sumalang sa pagsusuri kung saan siyam ang napatunayang nakakainom at hindi nakapasa sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) testing.

Kabilang sa mga lugar na sinuyod ng LTO ang Timog Avenue, Fisher Mall Quezon Avenue, Tomas Morato Avenue, at Quezon Avenue sa Quezon City ang mga lugar na mataas ang vehicular traffic at leisure venues.

Ang apat na operasyon ay ginawa ng LTO  ay alinsunod sa  isinasaad ng  Republic Act No. 10586, o “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”.

Hindi naman sumalang sa drug testing ang mga driver at wala namang naitalang insidente o unusual situations.

Layon ng hakbang na linangin ang kultura ng responsableng pagmamaneho sa mga Pilipinong motorista.

Binibigyang-diin ng LTO  na ang pagmamaneho ng sasakyan habang nasa impluwensiya ng alak o droga ay hindi lamang paglabag sa batas, kundi isang seryosong banta rin sa kaligtasan ng komunidad.

LTO

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with