^

Metro

Quezon City Hall of Justice binulabog ng bomb threat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City Hall of Justice binulabog ng bomb threat
Sinasabing isang empleyado mula sa Branch 227 ng korte ang nakatanggap ng mensahe na nagbabala hinggil sa posibleng pagsabog ng bomba kaya nabulabog ang mga empleyado rito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Binulabog ng bomb threat ang Que­zon City Hall of Justice dahilan upang magsilabasan ang mga empleyado at may transaksiyon nitong Biyernes ng umaga.

Sinasabing isang empleyado mula sa  Branch 227 ng korte ang nakatanggap ng mensahe na nagbabala hinggil sa posibleng pagsabog ng bomba kaya nabulabog ang mga empleyado rito.

Agad inutos ni QCRTC Executive Justice Rosanna Fe Maglaya ang agarang paglilikas sa lahat ng mga empleyado at iba pang nasa gusali.

Naging maagap naman ang Quezon City Police District (QCPD) na may K9 units mula sa Explosive and Ordnance Division nang nagsagawa ng inspeksiyon sa gusali.

Ayon kay retired General Elmo San Diego, hepe ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) nagsagawa ng panelling ang mga awtoridad na upang masiguro na walang bomba sa lugar.

Tiniyak naman ng mga awtoridad sa publiko na may precautionary measures na ipatutupad para sa seguridad ng lahat.

QCRTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with