Rhian, Michelle, at Samantha ipinatawag ng NBI

MANILA, Philippines — Inaasahang ngayong araw, sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Rhian Ramos, beauty queens Michelle Dee, at Samantha Panlilio para sa imbestigasyon ng reklamong physical injuries at illegal detention na isinampa ni alyas “Totoy”.
Nabatid na pinadalhan na ng subpoena ad testificandum ng NBI- Homicide Division ang tatlo, at natanggap ito noong nakalipas na linggo, na kinumpirma ng abogado ni Dee na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Ang tatlo ay inakusahan ni alyas “Totoy” na pawang may kagagawan ng pananakit, pag-torture, at pagkulong sa kanya simula Enero 17-19 sa isang condominium unit.
Kaugnay ng usapin, ibinahagi rin ni Abraham-Garduque na may inilabas na ring subpoena ang Makati Office of the City Prosecutor sa qualified theft na isinampa naman ni Dee laban kay alyas “Totoy”.
Sinabi ni Abraham-Garduque na noong Miyerkules ang dapat na hearing sa pagsusumite ni Totoy ng counter-affidavit, at dumalo naman subalit humingi ng dagdag na panahon para sa isusumiteng counter-affidavit na pinagbigyan hanggang Marso 3, 2026.
- Latest
















