^

Metro

Isko, inilatag P2.3 bilyon Forest Park sa Intramuros

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihain kahapon ng umaga ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang disenyo sa planong Intramuros Forest Park, na naglalayong gawing pampublikong open space ang kasalukuyang Intramuros Golf Course. 

Personal na iniabot ni Domagoso ang disenyo kay Executive Secretary Ralph Recto sa isang pagpupulong sa Malacañang.

Sa kanyang liham, binigyan-diin ni Domagoso na ang proyekto, na bahagi ng Legacy Projects ng Pangulo ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente ng Maynila.

Nabatid na ang konsepto na ­disenyo, sa tulong ng Asian Development Bank at Arup ay aabot ng P2.3 bilyon, aytsasaklaw sa pag-develop ng lugar, mga pasilidad ng parke, landscaping, at kaugnay na imprastraktura.

Kabilang sa mga pangunahing bahagi nito ang Riverfront Promenade, na nagtatampok ng pangunahing landscaped areas at isang Picnic at Waterfront Area na layong buhayin ang gilid ng Ilog Pasig na may pampublikong pasilidad.

Kabilang dito ang Campus Garden na green space, Outdoor Theater, F&B Area para sa mga kiosk at upuan, at Playground ng mga bata, na naglilikha ng mixed-use civic space para sa libangan, pagtatanghal, at aktibidad ng pamilya.

Idinisenyo ang Gateway Park bilang landscaped entry point, habang ang Urban Park pinagsasama ang Sports Area at Parking facilities, Lookout Area at Riverwalk, at Sports Area at Viewpoint upang pagsamahin ang open space sa aktibong libangan.

FOREST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with