^

Metro

Paslit lunod sa pool ng barangay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paslit lunod sa pool ng barangay
Batay sa ulat ng Criminal Investigation Quezon City Police District , alas- 4:16 ng madaling araw nang matagpuan ang biktimang si alyas MD, 2-anyos, na nakalutang sa recreational pool sa loob ng Barangay Hall compound ng Nagkaisang Nayon, sa Banahaw St., Novaliches, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang batang lalaki ang namatay matapos tumalon sa recreational pool ng isang barangay sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation Quezon City Police District , alas- 4:16 ng madaling araw nang matagpuan ang biktimang si alyas MD, 2-anyos, na nakalutang sa recreational pool sa loob ng Barangay Hall compound ng Nagkaisang Nayon, sa Banahaw St., Novaliches, Quezon City.

Nabatid na huling nakitang natutulog ang bata ng kanyang ina na si Melody bandang 1:00 ng mada­ling araw, matapos silang dumalo sa birthday party ng kaibigan sa South St., Don Enrique Subdivision, Nagkaisang Nayon, malapit lamang sa nasabing barangay.

Napag-alaman na papakainin sana ni Jesse, isang fire volunteer ang kanyang aso malapit sa pool nang mapansin ang biktima na lumulutang sa pool.

Agad na iniahon ang bata sa swimming pool at inireport ang insidente sa duty Emergency Response Team ng Barangay Sangandaan. Isinugod ang biktima sa Novaliches District Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival.

CRIMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with