^

Metro

Urban Farming palalakasin sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila  Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na kanyang palalakasin ang urban farming sa lungsod kung saan gagamitin ang mga bakante at  mga green spaces.

Sa kanyang pagbisita sa pasilidad ng Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) sa San Rafael, Bulacan nitong Miyerkules, sinabi ni Domagoso na layon niyang mapag-aralan ang makabagong teknolohiya sa urban farming­ na maaari niyang maipatupad sa kabisera ng bansa.

Ipinakita naman ni  MPFF Director Shahar Turgeman, ang operasyon ng greenhouse facility at paggamit nito ng controlled-environment agriculture upang makapagprod­yus ng mga gulay nang episyente at tuluy-tuloy.
Ayon kay Domagoso, malaki ang maitutulong nito sa planong urban  farming upang mapakinabangan ang mga nakatiwangwang na mga bakanteng lote kasabay ng pagpapalakas ng lokal na suplay ng pagkain.

Sinuri rin ng alkalde ang isang 23-ektaryang ari-arian sa Boystown Manila na ikinokonsi­derang gamitin para sa agrikultura, at tumang­gap ng mga tool kit at kagamitang pang-training na nagkakahalaga ng P463,343.62 mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga lokal na institusyong pagsasanay, bilang bahagi ng mas malawak na paghahanda para sa mga inisya­tiba sa urban farming.

Matatandaan na nakipagpulong din ang alkalde sa mga opisyal ng Singapore Food Agency (SFA) upang pag-aralan ang mga regulasyon sa food safety at mga sistema ng pamamahala ng suplay ng pagkain na maaaring iangkop sa mga lungsod na may mataas na densidad ng populasyon.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with