^

Metro

Kinidnap na trader nasagip; 3 suspek nadakip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kinidnap na trader nasagip; 3 suspek nadakip
Ayon kay AKG chief Police Brigadier Ge­neral Glicerio Cansilao na ligtas na ang biktima at kapi­ling na niya ang kanyang pamilya habang naaresto ang tatlong suspek na sina alyas “AG”, “TP”, at “MD”.
STAR / File

Natunton sa digital payment

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awtoridad sa Quezon City ang isang negosyanteng lalaki matapos na kidnapin at pinatutubos ng P50 milyon na kung saan ay naaresto ang tatlong kidnaper, ayon sa Phi­lippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ayon kay AKG chief Police Brigadier Ge­neral Glicerio Cansilao na ligtas na ang biktima at kapi­ling na niya ang kanyang pamilya habang naaresto ang tatlong suspek na sina alyas “AG”, “TP”, at “MD”.

Bago ito ay humingi ng tulong ang pamilya sa PNP-AKG matapos na hindi nakauwi ang biktima sa bahay at hindi na rin makontak sa te­lepono na ­huling nakita sa Mandaluyong City noong Pebrero 12.

Sa isinagawang CCTV backtracking at intelligence operations ay nakita ang pagtangay ng mga suspek sa biktima.

Nabatid na humingi ang mga kidnaper ng P50 milyon ransom para palayain ang biktima. Bumaba ang ransom sa P4 milyon hanggang sa nagbayad ang pamilya ng inisyal na P250,000 na idinaan sa digital payments.

Ang nasabing digital payment ay ginamit ng AKG para makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek hanggang sa isagawa ang rescue operation at naaresto ang tatlong suspek.

Sinabi ni  Cansilao na may iba pang suspek ang pinaghahanap kabilang ang mastermind sa pagkidnap sa biktima.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

PNP-AKG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with