3 timbog sa shabu buy-bust sa Taguig

MANILA, Philippines — Arestado sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit ang tatlong high value individual kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Ayon kay SPD-DDEU chief PMaj. Cecilio Tomas, nasamsam ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 mula sa mga suspek na sina alyas “Caz”, 28; alyas “Nick”, 36 at alyas “Sahid”, 31, sa operasyong isinagawa nitong Pebrero 10 ng gabi, sa Brgy. New Lower Bicutan.
Narekober din ang boodle money na 49 piraso ng tig-iisang libo at isang genuine P1,000 bill, cellphone ng suspek na ginamit sa transaksyon.
Isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 at11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest


















