^

Metro

Lolo’t lola pinatunayang may ‘forever’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Ikinasal ngayong Love Month

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng isang lolo at lola na may ‘­fore­ver’ matapos na matupad ang kanilang pangarap na maikasal ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Miyerkules na hudyat ng Valentine’s Day.

Ayon kay Domagoso, 32 taon nang nagsasama sina Manuel Bulong Delos Santos, 79 at Mae Jean Dolar Baladiang, 67 ng walang kasal dahil sa ilang problema sa kanilang mga dokumento.

Naikuwento pa nina Lolo Manuel at Lola Mae kay Domagoso ang kanilang planong pagpapakasal subalit madalas na nauudlot dahil sa ilang problema. Nag-aalaga rin ng anim na apo sina Lolo Manuel at Lola Mae.

Kinailangan nilang isanla ang kanilang TV upang may pang-tuition fee ang kanilang apo.

Hindi naman nagdalawang isip si Domagoso na ikasal sina Lolo Manuel at Lola Mae na taga-Las Piñas.

Naging mas makulay, romantic ang Bulwagang Villegas, at napuno ng luha ng kaligayahan habang naglalakad si Lola Mae papalapit sa naghihitay na si Lolo Manuel na naka-wheel chair.

“I hope kapulutan ng aral ang pagsasama ninyo na kahit na sa ganitong edad ay kinikilala niyo pa rin ang kahalagahan ng kasal. Bilang institusyon, bilang indibidwal, bilang Ama ng Maynila, walang huli sa pag-ibig at asawa hanggang dulo,” ani Domagoso. Labis naman ang pasasalamat ni Lola Mae kay Domagoso na tumupad ng kanilang pangarap sa loob ng higit tatlong dekada.

DOMAGOSO

TV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with