Babaeng karnaper, arestado
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 22-anyos na babae na wanted sa kasong carnapping sa Malabon City.
Batay sa ulat na nakarating kay Navotas Police chief PCol. Renante Pinuela, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa Brgy. Tangos ang akusado na kabilang umano sa mga Most Wanted Person ng Malabon City Police Station dahil sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.
May arrest warrant na inilabas ang Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 289, Malabon City, noong Enero 27, 2026 laban sa suspek.
Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas police at naaresto ang akusado sa Barangay Tangos South, dakong alas-6:20 ng gabi.
Hinihintay na lamang ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa suspek sa Malabon City Jail.
- Latest


















