Bomba nahukay sa UP Campus
MANILA, Philippines — Isang vintage bomb ang nahukay sa loob ng UP Campus sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.
Sa ulat ng Anonas Police Station (PS-9), ng Quezon City Police District (QCPD), alas-11:15 ng umaga kahapon nang mahukay ang vintage bomb sa loob ng UP Campus sa harapan ng Institute of Chemistry Teaching Building Brgy. UP Campus, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon, habang naghuhukay si alyas “Bryan”, 26, residente ng Montalban Rizal, gamit ang pala ay napansin nito ang nasabing bomba.
Agad niyang ipinaalam sa UP police ang natagpuan bomba na agad ding itinawag sa PS-9, at sa QCPD Explosive Ordnance Division (EOD).
Pagdating ng mga tauhan ng EOD, nagsagawa sila ng safety procedure (RSP) at dinala ang vintage bomb para sa kustodiya at tamang disposisyon.
- Latest





















