^

Metro

42 pamilya nasunugan sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 42 pamilya o 167 indibidwal ang apektado ng sunog na naganap sa residential area sa Cabrera St., Brgy. 139, Pasay City, Sabado ng gabi.

Ayon sa Pasay City Social Welfare and Development Department, pansamantalang tumutuloy ang mga apektadong residente sa Capt. Joe Valdenibro Court sa kalapit na Brgy. 138.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-7:00 ng gabi na mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa pawang mga yari sa light materials ang mga kabahayan. Idineklarang fire out ang sunog  bandang alas-8:28 ng gabi.

Tatlo naman ang  naiulat na nasugatan sa sunog.

Agad namang rumesponde ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay suplay na pagkain at iba pang pa­ngangailangang relief goods ang mga evacuees.

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with