Online selling ng beybi, nag-level up na
MANILA, Philippines — Gimik na aso ang binebenta Masusing mino-monitor ng mga awtoridad ang bentahan ng sanggol online kung saan ginagamit na strategy ang pagpo-post ng ‘aso’ sa social media.
Ayon kay National Authority for Child Care Assistant Secretary Rowena Macalintal, marami na ang naaresto sa child trafficking sa tulong ng Facebook na minamanmanan ng mga awtoridad at natuklasan ang pagpapanggap ng mga sindikato na aso ang iniaalok nila online.
“Ngayon ay parang bentahan ng aso, pero kapag pinasok mo ay bata talaga iyong pinag-uusapan nila kaya napaka-active ng surveillance ng NACC at Philippine National Police upang masawata ang online baby-selling,” ani Macalintal.
Nagbabala siya na ang pag-aalok o pagbebenta ng mga bata ay maituturing na trafficking o ilegal na pag-aampon, na may parusang mula anim hanggang sa habambuhay na kulong.
Una nang sinabi ni Macalintal na ang NACC, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Women and Children Protection Center, ay mino-monitor ang mga aktibidad ng online selling ng mga sanggol.
Ginagawan na ng paraan ng mga awtoridad na ipatanggal sa social media ang online platforms na gumagamit sa illegal adoption schemes.
- Latest
















