^

Metro

7K trabaho, pangkabuhayan handog ng Malabon LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Malabon LGU ang kauna-unahang Mega Job Fair and Livelihood Skills Training kung saan 46 na kompanya ang magbibigay ng pagkakataon sa Malabueños na makapagtrabaho.

Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, isinagawa ang  job fair sa Malabon City Square upang matulungan ang mga residente na makaha­nap ng trabaho na alok ng 40 local at anim na overseas companies. Nasa higit 7,000 trabaho ang naghihintay sa mga job seekers.

Ani Sandoval, agad siyang nakipag-ugna­yan sa Trabaho Party­list upang ­mailunsad ang programa at ­masiguro na makahahanap ng trabaho ang mga aplikante.

Kabilang sa mga trabaho na inaalok sa job fair ay brand ambassadors, machine operators, clerks, production workers, engineers, electricians, helpers, customer service representatives, drivers, delivery crews, merchandisers, nurse, encoders iba pang office o skill-based jobs at mga trabaho ng para sa mga seafarers.

“Bagong taon, bagong pag-asa para sa mga kababayan nating nagnanais na mapabuti ang kanilang pamumuhay. Handa ang pamahalaang lungsod ng Malabon na tumulong upang palakasin ang kabuhayan para sa ating mga kababayan,” ayon naman kay City Administrator Dr. Ale­xander Rosete.

LGU

MALABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with