^

Metro

Russian vlogger negatibo sa HIV

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Negatibo ang Russian vlogger na si Nikita Chekhov sa Human Immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, base sa medical examination ni Chekhov na isinagawa ng Department of Health (DOH) ay nakumpirmang non-reactive ito sa HIV o AIDS.

“He was likewise tested for other related illnesses, all of which yielded negative results,” ani Viado.  Si Chekhov, 21-anyos ay inaresto ng mga awtoridad sa Quezon City noong Miyerkules matapos namang mag-viral sa social media ang pananakot nitong magpapakalat ng HIV sa bansa.

Ayon sa opisyal ang pananakot ng Russian vlogger sa social media sa pagpapakalat ng HIV ay bunga lamang ng ‘rage-bait’ na naglalayong maghasik ng sindak at magpasiklab sa social media sa ma­ling paraan.

Sinabi ni Viado na patuloy naman ang pakikipagkoordinasyon ng BI sa mga ahensiya ng gobyerno para tiyakin na ang mga umaabusong dayuhan sa batas ng Pilipinas at lumilikha ng public alarm ay parurusahan. Nahaharap na sa deportasyon ang nasabing vlogger matapos namang lumikha ng takot at pagpapanik ng publiko ang social media post nito.

VIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with