^

Metro

P43 milyong cocaine nasabat sa NAIA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang matalas na pangamoy ng K9 dogs kasunod ng pagkakasamsam ng mahigit sa P43 milyong halaga ng cocaine sa isinagawang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon kay PNP Acting Chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Sabado.

Sinabi ni Nartatez, sa nasabing interdiction operation na isinagawa noong Huwebes dakong alas-7:20 ng gabi ay nasa 8,194 gramo ng pinaghihinalaang cocaine na nagkakahalaga ng P43.4 milyon ang nakumpiska at inaresto naman ang isang 30-anyos na babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na dumating sa bansa galing Brazil.

Ayon sa opisyal habang nagsasagawa ng screening sa mga bagahe ay biglang umupo sa tabi ng luggage ng nasabing pasahero ang K9 dogs na indikasyon may illegal na droga o anumang ipinagbabawal na bagay sa dala nito.

Dahil dito, ayon kay Nartatez ay naalerto ang mga operatiba na nagsagawa ng pagiinspeksiyon sa bagahe ng nasabing pasahero at dito’y nakuha ang tatlong malalaking pouches na nakalagay sa isang compartment ng bag na dala nito.

“Every kilo of illegal drugs seized means lives protected and families spared from harm,” ayon kay Nartatez na resulta ng maigting na koordinasyon ng PNP Aviation Security Group, Bureau of Customs, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inihayag ni Nartatez na patuloy na paiigtingin ng PNP ang pagbabantay upang masigurong ligtas ang netizens sa banta ng illegal na droga.

COCAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with