^

Metro

Vlogger ng ginto hinaydyak at hinoldap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vlogger ng ginto hinaydyak at hinoldap
Pasay Map.
Philstar

Sk chairman at kagawad, suspek

MANILA, Philippines —   Hinaydyak at hinoldap ang isang vlogger na seller din ng ginto at tatlo pang kasama nito ng 10 armadong kalalakihan sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

Aabot sa P6 milyong halaga ng alahas at pera ang natangay ng mga suspek mula sa mga biktima.

Nabatid na hina­rang ng mga suspek na umano’y kinabibilangan ng isang SK chairman at Kagawad ang SUV ng 24-anyos na vlogger/seller na noo’y nakasakay sa likurang bahagi ng sasakyan. Nakatakas ang driver ng SUV at katabing pasahero nito kaya naiwan ang vlogger at isa pa sa SUV. Dito na kinomando ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima hanggang sa makarating sa Tejeron St. Brgy. 792, Sta. Ana, Maynila bandang alas-10 ng gabi saka inabandona.

Tinangay na pala ng dalawa sa mga suspek ang mga pera at alahas ng mga biktima kung saan sumakay sa sinusundang van ang dalawang suspek.

Nakatawag naman ng pansin ang nakahambalang na SUV kaya nagresponde ang mga pulis mula Manila Police District at Pasay City Police.

Ayon kay Pasay City Police chief PCol. Joselito De Sesto, sinusundan ng kanyang mga tauhan ang SUV ng mga biktima matapos na makahingi ng tulong ang dalawang nakatakas na kasamahan ng vlogger. Natunton ang na-hijack na sasakyan sa tulong ng GPS na nasa bahagi na ng Sta. Ana, Maynila.

Nakakuha naman ng tiyempo ang vlogger at kasamahan na makatakas nang  matrapik sila sa Sta. Ana, Maynila.

Sa follow up operation ng pulisya, natunton ang sasakyan ng mga suspek sa isang resort sa Brgy. Pansol sa ­Calamba, Laguna subalit ang 22-a­nyos driver na lang ng itim na van ang nadatnan na nabawian ng ilang alahas at pera.

Nakita naman sa CCTV ng resort ang pagpapartihan ng pera ng mga suspek, habang may isa pang babaeng kasama.

Dahil sa footage, nakilala ang anim sa 10 suspek, na pawang kakilala rin umano ng mga biktima, kabilang ang isang SK Chairman at isang kagawad ng barangay.

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with