2 todas sa BJMP personnel sa Pasig
MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi sa pamamaril ng isa umanong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, noong Lunes, Enero 19.
Sa naantalang ulat, naganap ang insidente sa Centennial 1-B, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig kung saan sakay ang biktimang babae ng ‘Grab’ na motorcycle.
Binaril ng suspek na umano’y BJMP personnel ang babae gayundin ang isa pang lalaki na lumapit sa crime scene. Binalikan pa ng suspek ang babaeng biktima at saka mabilis na tumakas.
Dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ang suspek sa ikinasang follow-up operation ng Pasig Police at natukoy na kawani ng BJMP.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkilanlan ng mga biktima at suspek.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na ulat ang Pasig Police sa resulta ng isinagawang imbestigasyon.
- Latest

















