Warehouse sa Navotas nasunog, 1 patay

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang naiulat na namatay habang tatlo naman ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang bodega na nag-iimbak ng event decor at muwebles sa Navotas City.
Sa pagsisiyasat ni Navotas Bureau of Fire Protection investigator SFO2 Junie Bert Mendoza, nasawi ang biktima na 20-anyos mula Cavite habang natamo naman ng sugat at mga paso ang tatlo pang residente na nasa edad 18, 30 at 65.
Batay sa naantalang report, naganap ang sunog bandang alas-12:20 ng tanghali nitong Martes sa isang warehouse sa Brgy. San Rafael Village, Navotas City.
Ayon kay Mendoza, tinitignan na posibleng nag-overload ang extension na gamit sa pagwe-welding.
Dahil gawa sa light materials ang bodega, mabilis kumalat ang apoy at umabot sa second alarm. Umabot ng apat na oras bago tuluyang naapula ang apoy. Tinatayang nasa P5.2 milyon ang halaga ng napinsala.
Naapula naman ang sunog bandang alas 4:11 ng hapon.
- Latest























