^

Metro

DILG sa BFP: Body-worn camera gamitin sa inspeksiyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
DILG sa BFP: Body-worn camera gamitin sa inspeksiyon
Sa ilalim ng polisiya, sinabi ng DILG na kaila­ngan na naka-record mula pag-iisyu ng body-worn camera sa fire station, pagbiyahe, hanggang sa mai-turn over sa bawat station custodian ang mga camera.
BFP NCR / Facebook page

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Fire Protection (BFP) na gumamit ng Body-Worn Cameras (BWCs) tuwing magsasagawa ng fire safety inspections sa buong bansa.

Sa ilalim ng polisiya, sinabi ng DILG na kaila­ngan na naka-record mula pag-iisyu ng body-worn camera sa fire station, pagbiyahe, hanggang sa mai-turn over sa bawat station custodian ang mga camera.

Kung papasok at magsasagawa ng inspeksiyon sa mga establisimyento, kailangan na agad na isuot ang came­ra kung saan sasabihn ng BFP personnel ang kanilang pangalan, oras, lugar at iimpormahan ang may-ari ng establisimyento na naka-record ang kanilang gagawing inspeksiyon.

Maaari namang hu­mingi ng kopya ng record ng inspection ang mga may ari ng lugar.

Muli ring pinaalalahanan ng DILG na ipinagbabawal sa sinumang Fire Safety Enfor­cers ang magrekomenda, magbenta o mag-endorso ng brand ng mga fire safety equipment alinsunod na rin sa Fire Code of the Philippines and at Ease of Doing Business law.

Layon ng DILG na masiguro ang transpa­rency, accountability at proper documentation ng inspeksiyon.

CAMERA

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with