^

Metro

Warehouse pinadlock ng Malabon LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa P1.5 bilyon puslit na yosi

MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng business permit at paglabag sa ilang regulasyon, ipinasara ng Malabon LGU ang warehouse kung saan nadiskubre ang mga container van na kinalululanan ng umano’y mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon sa Brgy. Maysilo.

Ayon kay Malabon City Mayor ­Jeannie San­doval, bigo ang Tala ­Cargo Solution na magsumite ng mga kinakailangan dokumento matapos ang tatlong araw na palugit na ibinigay ng Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO).

Bago ito, nabatid na nagsagawa ng ins­peksiyon ang BPLO noong Enero 2 at 5 at pinadalhan ng notice of violation.

Bagama’t ang ­negosyo ng Tala Cargo Solution ay nakarehistro bilang container yard, sinabi ni Sandoval na limitado lamang ito sa permitting at licen­sing at hindi kasama ang importasyon.

Matatandaan na sa nasabing container yard tumambad sa mga tauhan ng Philippine ­National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tinatayang P1.5 bil­yong halaga ng imported na sigarilyo na ipinuslit papasok ng bansa noong Disyembre 31, 2025 matapos na habulin ang isang rider na umiwas sa checkpoint.

WAREHOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with