^

Metro

‘Maging bukas sa katotohanan’ – Cardinal Advincula

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Maging bukas sa katotohanan’ – Cardinal Advincula
Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula during the mass for the solemnity of the Immaculate Conception on Dec. 8, 2025 at the Manila Cathedral.
The Varsitarian / Facebook

Mensahe sa kapistahan ng Sto. Niño

MANILA, Philippines — Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging bukas sa katotohanan, kahit gaano man ito kahirap o kasakit, kagaya nang paglaki ng Sanggol na Hesus upang tuparin ang kanyang misyon bilang ipinangakong Mesiyas.

Ang hamon ay ginawa ni Advincula nang pangunahan ang isang banal na misa sa Santo Niño de Pandacan Parish sa Maynila, para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo Niño nitong Linggo.

“Sa pakikipag-kaibigan natin kay Santo Niño, kay Niño Hesus, kailangan din nating maging bukas sa mga katotohanan ipaparating niya sa atin kahit mahirap at masakit,” bahagi ng homiliya ni Advincula.

“Oo, naging bata sa Hesus, subalit hindi siya nanatiling bata. Nakapaloob sa dinamismo ng isang bata, ang paglaki at pag-unlad. Tumanda siya at naging handang harapin ang mga hamon ng pagsunod sa naririnig mula sa Kanyang Ama hanggang sa punto ng kamatayan,” ayon pa sa cardinal.

Kasabay nito, nanawagan din ang cardinal sa mga mananampalataya na tiyakin na ang kanilang debosyon sa Santo Niño ay may kaakibat na pagkamulat at responsibilidad para sa mga taong mahihirap.

“Ipinapaalala sa atin ng Santo Niño na kung may tunay tayong debosiyon sa Kanya, kailangan din nating maging mulat at responsable sa mga maliliit,” ani Advincula.

“Hinahamon din tayo ng Niño Hesus na hanapin at itaguyod ang iba pang maliliit at mahihina sa ating lipunan, sa ating parokya at kapitbahayan,” dagdag ng cardinal.

JOSE CARDINAL ADVINCULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with