^

Metro

Misa Mayor sumentro sa pagpapakumbaba at debosyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumentro sa pagpa­pa­kumbaba at debosyon ang Misa Mayor o Midnight Mass na dinaluhan ng mahigit sa 100,000 deboto para sa pista ng Itim na Poong Nazareno.

Ang naturan Misa Mayor ay pinamunuan ni Bala­nga Bishop Rufino “Jun” Sescon Jr., na dating rector ng Quiapo Church, dakong alas-12:00 ng madaling araw ng Enero 9.

Sa kanyang homiliya, hinikayat ni Sescon ang mga deboto na tulad ni Hesu­kristo, ay mamuhay ng may pagmamahal at pagpapakumbaba.

Iniugnay nito ang homiliya sa mga kaganapan sa bansa sa ngayon, kung saan ang ilang opisyal aniya ng bansa na kahit mali at bistado na ay ayaw pa ring bumaba sa puwesto kahit nahihirapan na ang mga mamamayan.

“Sa ating bayan nga­yon, may mga ayaw bu­­maba kahit mali na at bis­tado na. Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan. Ayaw bumaba kahit nagdurusa na ang mahihirap. Ayaw bumaba kahit binabaha na at nasisira na ang bayan. Tumigil na, tama na, maawa na kayo sa taong bayan,” ani Sescon.

Ayon sa Manila Police District (MPD), mahigit sa 100,000 deboto ang matiyagang naghintay at dumalo sa Misa Mayor.

Kaagad naman itong sinundan ng Traslacion 2026 na pormal na nagsimula ganap na alas-4:00 ng madaling araw, na pinakama­aga sa buong kasaysayan ng Traslacion.

Samantala, namahagi naman ng pansit at tubig si Jhayr Balboa na dating Chief  of Staff  dating Manila Vice Mayor Yul Servo sa kahabaan ng Brgy.  312 Zone 31 sa mga deboto ng Nazareno.

SESCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with