^

Metro

Sa vehicular accidents Torre: 10-15 minutes clearing operations

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni Gen. Nicolas Torre III, dating Chief ng PNP at bagong General Manager at Spokesperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isagawa ang clearing operation sa mga insidente ng banggaan ng sasakyan sa Metro sa Manila sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

Ayon kay Torre, ang mabilis na pagkilos at pagtugon ang kailangan upang agad na maibalik sa normal ang daloy ng mga sasakyan sa mga kalsada at maiwasan ang matinding trapiko.

“Five minutes sa responde, 10–15 minutes sa clearing para agad bumalik sa normal flow,” ani Torre.

Dapat ay agad na naaabot ang lugar ng insidente, mabilis na naimbestigahan, at agarang naaalis ang sagabal upang maibalik kaagad ang normal na daloy ng trapiko.

Binigyan-diin nito na ang malinaw na oras ng responde, at clearing ay magsisilbing pamantayan ng disiplina, pananagutan, at efficient coordination ng MMDA at iba pang katuwang na ahensya.

Inaasahang sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mas paiigtingin ng MMDA ang mabilis na aksyon sa mga insidente sa kalsada upang maging mas ligtas at maayos ang biyahe ng publiko sa Metro Manila.

Matatandaang ipinatupad ni Torre noong siya pa ang hepe ng PNP ang 3 minutes response laban sa iba’t ibang krimen.

CLEARING OPERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with