^

Metro

Nigerian national todas sa 2 kotongero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nigerian national todas sa 2 kotongero
Las Piñas City
Wikimedia Commons

MANILA, Philippines — Patay ang isang ­hindi pa kilalang Nigerian national nang pumalag sa dalawang lalaki na pwersahang nanghihingi ng pera sa kanya, kama­kalawa ng madaling araw sa Las Piñas City.

Sa ulat ng Las Piñas City Police Station, inilarawan ang biktima na nasa edad 30-40 na idineklarang patay alas-5:24 ng umaga sa Las Piñas District Hospital dahil sa mga tinamong saksak sa katawan habang arestado naman si alyas “Jayson”, 42 at pinaghahanap si alyas “Lu Long”.

Ayon kay PCol. Sandro Jay Tafalla, hepe ng Las Piñas CPS, naganap ang pananaksak alas-3:45 ng madaling araw nitong Enero 6, sa Basa Village, Brgy. Zapote, Las Piñas.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na hinarang ng dalawang suspek ang biktima at pilit na hini­hingan ng pera na nauwi sa komprontasyon at pananaksak sa biktima.

Sa tulong ng ilang concerned citizens na humabol sa mga suspek ay agad ding ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at nadakip sa follow-up operation si Jayson.

LAS PIñAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with