^

Metro

In-city housing project, suportado ng DHSUD at NHA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling ang matibay na paninindigan ng pamahalaan sa socialized housing program ng Lungsod ng Las Piñas matapos mailaan ang halos P255 milyon para sa proyekto sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ni Aliling na ang patuloy na suporta ng DHSUD sa mga lokal na inisyatiba sa pabahay na naglalayong magbigay ng disente, abot-kaya, at ligtas na tirahan para sa mga mahihirap at walang tahanang pamilya sa lungsod, sa isang pulong kasama si Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos at iba pang mga stakeholder.

Tutukuyin ng NHA ang mga benepisyaryo, kabilang ang mga informal settler families na nani­nirahan sa mga danger zone tulad ng mga daluyan ng tubig, easement, at iba pang high-risk areas, mga pamilyang walang sapat na pabahay, at mga low-income families na tumutugon sa mga pamantayan ng pagiging karapat-dapat na itinakda ng ahensya.

DHSUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with