^

Metro

Bodegero, todas sa mag-utol na delivery driver

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bodegero, todas sa mag-utol na delivery driver
Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Boy” na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan habang sugatan naman ang bayaw nitong si alyas “Noy”, 35 matapos maki­sali sa pagtatalo.
STAR/ File

Nag-away sa shipping fee

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na bodegero ang namatay habang kritikal ang kanyang bayaw nang barilin ng magkapatid na delivery driver na nagtalo dahil sa pagbabayad ng shipping fee sa idineliber na parcel, sa isang warehouse sa Quiapo, Maynila, noong Huwebes.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Boy” na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan habang sugatan naman ang bayaw nitong si alyas “Noy”, 35 matapos maki­sali sa pagtatalo.

Boluntaryo namang sumuko ang 32-anyos na pahinante sa Barbosa Police habang natunton naman ng Manila Police District (MPD) ang 36-anyos na driver ng deli­very van na nagtangkang tumakas sa Batangas Port. Ang mga suspek ay kapwa nagtatrabaho sa online delivery company sa Bulacan.

Lumilitaw na naganap ang insidente alas  4 ng hapon sa bodega na pinapasukan ng dala­wang biktima, sa C. Palanca St., Quiapo.

Nag-ugat ang insidente sa paniningil  ng pahinante ng bayad sa mga biktima na ikinagalit umano ni Boy. Ikinatwiran umano ng pahinante na nagmamadali sila na makasingil dahil may idedeliber pa sila sa Makati.

Dito na nagsimula  ang pagtatalo ni Boy at ng pahinante hanggang sa makialam si Noy.

Nagbanta pa umano ang mga biktima na na kung hindi makapaghihintay ay baka hindi na makalabas ng buhay sa  nasabing bodega.

Sinapak pa umano ng biktima ang pahinante kaya sumaklolo naman ang delivery driver.

Kinuha nito ang dalang baril at pinaputukan ang mga biktima sa pag-aakalang pinagtutulu­ngan na ang kapatid.

Natunton ng pulisya ang bahay ng magkapatid sa pamamagitan ng lisensya ng driver na naging dahilan upang sumuko at isurender ang hindi lisensyadong baril na ginamit ng kapatid.

Depensa ng pahinante, payment lang ang hinihintay niya nang panay ang salita ng bayaw ng sinisingil niya at ang pananampal ang dahilan kaya naging marahas ang mga sumunod na pangyayari.

BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with