^

Metro

27 naaresto ng SPD sa loob ng 24 oras

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 27 katao ang inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa loob ng 24 oras simula Enero 3 ng 5:59 hanggang alas- 6:00 ng Enero 4, 2026.

May 17 suspek sa iligal na droga ang nadakip,­ na nakumpis­kahan ng ng kabuuang 13.41 gramo ng pinaghihinalaang shabu at 0.93 gramo ng pinaghihina­laang marijuana, na sa kabuuan ay katumbas ng halagang P91,299.00.

Tatlong wanted persons naman ang naaresto matapos silbihan ng warrants of arrest at pito ang nalambat sa operasyon laban sa iligal na pagsusugal.

Samantala, umabot sa 3,398 na mga lumabag sa mga lokal na ordinansa na pinagmulta ng aabot sa P417,600.00.

Pinuri ni SPD Director PBGen. Randy Arceo ang ipinakitang dedikasyon ng mga tauhan sa unang katapusan ng linggo ngayong unang buwan ng taon. Ito aniya, ay isang kritikal na panahon na pinaka-kailangan ang presensya ng kapulisan para mapigilan ang anumang krimen.

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with