^

Metro

Pateros ‘di kasama sa e-trike ban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pateros ‘di kasama sa e-trike ban
E-trikes and tricycles are seen plying along Taft Avenue in Manila on February 3, 2024.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Hindi kasama ang pamahalaan ng Pateros sa pagpapatupad ng e-trike ban sa mga lansangan sa Metro Manila na sinimulan ng Land Transportation Office (LTO) simula sa Enero 2.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pateros ay hindi sila kabilang sa mga apektadong lugar para sa impound at pagbabawal ng e-bikes dahilan ang pagbabawal ay para lamang sa national highways at mga pangunahing lansangan.

Nilinaw pa ng pamahalaang lokal na hindi aniya kabilang ang mga kalsadang pang-municipal sa e-trike ban.

“Ibig pong sabihin, ang paggamit ng e-bike sa mga lokal na daan at barangay roads sa Pateros ay nananati­ling pinapayagan basta’t sumusunod sa tamang regulasyon”, dagdag pa ng pamahalaang lokal.

Samantalang pinayuhan rin ang publiko na huwag pahintulutan ang mga menor-de-edad na magmaneho ng mga e-trikes at e-bikes.

PATEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with