2 sanggol isinilang sa pagpasok ng 2026
MANILA, Philippines — Dalawang malusog na sanggol ang ipinanganak kahapon, kasabay ng pagsalubong sa Taong 2026.
Batay sa ulat, ang mga sanggol ay iniluwal ng kanilang mga ina, eksakto 12:00AM ng Enero 1 sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Nabatid na si baby “Yuri”, ay pitong buwang gulang pa lang sa sinapupunan nang ipanganak ng kanyang inang si Sally.
Kahit naman premature, malusog at nasa maayos na kondisyon ang sanggol.
Samantala, husto naman sa gulang si baby “Zamara” nang ipinanganak ng kanyang inang si Jenylyn.
Kapwa nagpahayag ng labis na kagalakan ang mga magulang ng mga tinaguriang New Year babies dahil sa pagdating ng kanilang mga anghel.
- Latest


















