^

Metro

Binatilyo, na-hit-and-run sa prusisyon ng Nazareno

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang binatilyo ang sugatan nang ma-hit-and-run ng isang taxi, sa kasagsagan ng prusisyon ng Nazareno sa Quiapo, Manila, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ngunit stable naman ang kondisyon ng 13-anyos na biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw ng bisperas ng Bagong Taon nang maganap ang insidente sa south bound lane ng Quezon Boulevard.

Ayon kay Crystian Bindoy, team leader ng Raha Volunteer at siyang sumaklolo sa biktima, ikinuwento umano ng biktima na tumatawid siya patungo sa Quezon Bridge mula sa center island nang mabundol ng taxi.

Ani Bindoy, may malay at nakakausap naman aniya ang biktima hanggang sa maihatid ng ambulansiya sa ospital.

Sa ngayon ay nangangalap na rin ang pulisya ng CCTV footages sa lugar para matukoy ang sasakyan na nakabangga sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with