^

Metro

Pasahero ng MRT-3 na tumakbo at umakyat sa footbridge, binitbit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pasahero ng MRT-3 na tumakbo at umakyat sa footbridge, binitbit
Nakapiit na ang ‘di pinangalanang lalaki sa Wack-Wack Police Station 3 ng Pasig City Police Station habang nahaharap sa reklamong alarm and scandal at resisting arrest.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos tumalon at tumakbo sa riles patungo sa kasunod na MRT station, sa bahagi ng Ortigas, Pasig City, noong Biyernes.

Nakapiit na ang ‘di pinangalanang lalaki sa Wack-Wack Police Station 3 ng Pasig City Police Station habang nahaharap sa reklamong alarm and scandal at resisting arrest.

Ayon sa ulat, sinabi ng MRT-3 Safety and Security Unit (SSU) na ang lalaki ay bumili ng tiket pa-norte ngunit pagdating sa platform, bigla siyang tumakbo at tumalon sa riles at tumakbo sa patungo sa Shaw Boulevard Station.

Pagsapit sa tapat ng isang mall ay umakyat ito sa bagong gawang footbridge, kung saan siya inabutan at inaresto ala-1:05 ng hapon ng Disyembre 26.

Nagpapalag pa siya dahilan upang sampahan ng reklamo ng pamunuan ng MRT-3.

MRT 3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with