^

Metro

Rider kritikal sa pananaksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rider kritikal sa pananaksak
Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si alyas “Jon Prix” dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

Suspek naingayan sa tambutso

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang 23-anyos na rider nang pagsasaksakin ng dalawang lalaki na naingayan sa muffler o tambutso ng kanyang motorsiklo, sa mismong araw ng Pasko, sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si alyas “Jon Prix” dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman sina alyas “Raymond”, 26 at “Jerome”, 20, sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni PCol. Robert Domingo, hepe ng Muntinlupa City Police Station.

Sa imbestigasyon, nakaaway ng biktima ang mga suspek madaling araw ng Disyembre 25 sa Barangay Tunasan ng dahil lamang sa tunog ng tambutso.

Nauwi sa pananaksak ng mga suspek ang mainitang pagtatalo bago tumakas, habang ang biktima ay pinagmalasakitan ng mga saksi na agad nagdala sa kanya sa pagamutan.

Pinapurihan naman ni Southern Police District (SPD) District Director PBGen. Randy Arceo ang mga tauhan ng Tunasan Police Sub-Station-1 dahil sa ginawang mabilis na aksyon na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa mga suspek.

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with