50 unregistered online trading platforms, tinanggal ng NTC
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Telecommunicaton Commission (NTC) na wala nang online access ang 50 unregistered online trading platform sa bansa matapos na i-block at tanggalin ng ahensiya.
Ang hakbang ng NTC ay bilang tugon sa request ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mapangalagaan ang publiko mula sa mga hindi otorisadong platform operation alinsunod sa Section 902-N ng central bank’s Manual of Regulation for Non-bank Financial Institutions na nagtatakda ng guidelines sa Virtual asset service providers (VASPs).
Nagpalabas ang NTC ng kautusan sa lahat ng internet service providers (ISPs) na alisin sa listahan ang 50 entities sa VASPs.
Mandato ng BSP bilang telecommunications space regulator na tupdin ang tungkulin alinsunod sa bagong Central Bank Act para sa mga money service businesses kasama ang VASPs at ang NTC naman ay pumipigil at nagtatanggal sa operasyon ng mga unregistered entities o unauthorized VASPs na nadedetermina ng BSP.
- Latest





















