13-anyos binoga sa rambol

MANILA, Philippines — Patay ang isang13-anyos na binatilyo matapos na barilin sa dibdib ng kanilang naka away matapos na dumalo sa Simbang Gabi sa Quezon City.
Idinekarang dead-on- arrival sa United Doctors Medical Doctors Center ang biktimang si alyas “JD”, high school student at residente ng Sta. Mesa, Maynila.
Naaresto naman sa follow up operation ang suspek na bumaril sa biktima na si alyas “Erwin”, 41, negosyante ng Sampaloc, Manila.
Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit- Quezon City Police District (CIDU-QCPD) nangyari ang insidente bandang alas-8:52 ng umaga nitong Sabado sa Nicanor Ramirez corner Matimyas St., Brgy. Don Manuel, Quezon City.
Bago ito, nabatid na pauwi na ang biktima kasama ang ilang barkada mula sa pagsi Simbang Gabi nang respondehan ang kanyang pinsan na si alyas “Jane” na umano’y hinarass ng isang grupo ng kabataan.
Nagpang-abot ang grupo ng biktima at grupo ng mga menor de edad hanggang sa dumating ang suspek na sakay ng Honda Click at binaril ang biktima sa dibdib na tumakas at kalauna’y naaresto rin.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.
- Latest
















