^

Metro

15-anyos nadagit ng manyakis sa party

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang 38-anyos na lalaki na dumagit sa isang dalagitang nakilala sa isang party at ginahasa sa isang apartment hotel, sa Makati City, Miyerkules ng madaling araw.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspek na si alyas “Bonifacio”, residente ng Barangay Pembo, Makati City sa reklamong statutory rape o Republic Act 11648 ng ina ng 15-anyos na biktima.

Sa ulat, inaresto ng mga mga tauhan ni Makati Police Station chief, PCol. Pedro Alagano, Jr. ang suspek alyas “Bonifacio” sa kanyang tirahan sa Brgy. Pembo, Makati City dakong alas-12:08 ng madaling araw matapos dumulog ang ina ng biktima.

Naganap ang panghahalay sa Guadalupe Apartelle II, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Batay sa reklamo, ang dalagita ay kasama ng mga kaibigan sa isang party sa Brgy. Pitogo, Taguig City.

Nang maispatan ng suspek ay gumawa ng ­paraan na maihiwalay sa mga kaibigan ang biktima at dinala sa nasabing apartelle at doon siya pinagsamantalahan.

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with