^

Metro

Bilis Kilos Action Center ng Maynila, bukas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Para sa reklamo, suhestiyon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang pagbubukas ng Bilis Kilos Action Center na tatanggap ng  mga reklamo at suhestiyon ng mga Manilenyo.

Ayon kay Domagoso, ang BKAC ay magsisilbing sumbungan ng Manilenyo sa kanilang pagkikipagtransaksiyon sa city hall o saan man sa pampublikong lugar sa  lungsod.

Sa pamamagitan aniya ng action center matutukoy ang mga gu­magawa ng anomalya, bastos at nagsasamantalang mga kawani ng city go­vernment.

Magkakaroon ng QR Code kaya hindi malalaman ng department head o hepe ng isang tanggapan na may nagrereklamo laban sa kanya.

“Lahat ng reklamo ay tatanggapin at dyan babagsak. Basura, traffic lights, drainage lahat yan aaksiyunan” anang alkalde.

Tiniyak ni Domagoso na confidential ang lahat ng impormasyon na kanilang matatanggap na dadaan pa rin sa beripikasyon.

Ang BKAC ay pinamamahalaan ni Anita Tubera sa ilalim ng Office of the Mayor.

MANILENYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with